Mais

May bibilhin sana ako sa Intsik na tindahan ng gulay at prutas sa Isla Lulu nitong umaga nang ika-29 ng Setyembre ng 2022.  Naubos na yata ang mais na pulang lila ang kulay.  Sana’y lilitratuhin ko sa bahay para sa alaala ng lengguwaheng Lojban.

Kamiseta

Nakita ko sa kalye sa paglalakad si Michael na Danes-Pranses nitong umaga nang ika-29 ng Setyembre ng 2022, nang papunta ako sa kapihan at pizzeria. Napuna ko ang kamisetang kulay-abo niyang may larawan ng Amerindiyo sa harapan. Sabi niyang kumupas na raw ang kulay. Sabi kong nag-order ako sa Sapot ng isang kamisetang kulay-dayap na may hepeng Amerindiyo sa harapan. “Neon!” ang sabi ni Michael.

Ang Pulang Planeta

Bago pa mag-alas otso nang umaga ng ika-26 ng Setyembre ng 2022, sa Isla Lulung kapihan, nagbabasa ako ng Portuges na siyensiyang piksiyong librong O Planeta Vermelho ni Robert Heinlein.  Tinanong ako ng isang puting lalaking nag-ahit ng ulo at nakaasul na panglamig kung ano ang binabasa ko.  Yaong libro nga ay Red Planet sa Ingles na binasa ko na noong bata pa ako, sabi ko sa kanya, at ngayon ay sa Portuges ko binabasa.  Binabasa ko nang malakas sa punto kong Carioca, ang diyalekto ng Rio de Janeiro.

Pranses Ala-suwerte

Nitong gabi nang ika-23 ng Setyembre ng 2022, pinagmulan kong basahin ang tatlong libro sa lengguwaheng Pranses: Terremer Intégrale ni Ursula K. Le Guin, Dracula ni Bram Stoker, at Le Petit Prince ni Antoine de Saint-Exupéry. Ala-suwerte o paliban-liban ang mga pangungusap kong binabasa.