Grecoide ang Obra Maestra

Nitong tanghali nang ika-24 ng Pebrero ng 2023, nagtsat kami sa Sapot ni Mharjie, pagkatapos ko lamang kakakain ng kielbasa, kanin, at atsara sa bahay. Nagkape. Pinaliwanag ko ang arte kong ginagawa gamit ang Artipisyal na Intelihensiya. Pinakita ko ang obra maestra kong “Grecoide” ang titulo. Tapos, pinag-usapan namin ang anime ng Hapon. Nilista ko ang mga paborito ko. Ako, sa tunog ng Hapones nanunuod. Si Mharjie rin, sa Hapones nanunuod, at may subtitulong Ingles. Sang-ayon kaming maganda ang tunog ng Hapones. Parang “tsitsaron” ang sabi ko. Malutong.

Mehiko

Nitong hapon nang ika-23 ng Pebrero ng 2023, sa tsat, gusto ni Mharjie pag-usapan ang tigil ko sa Mehiko noong ilang taon na ang nakalipas. Gusto niya ang audio. Pero tinayp ko sa tsat, “Talagang mahiyain ako.” Sinabi ko na sa kanyang pumunta ako sa Cancún, Tulum, Chichén Itzá, at mga paligid. Tumigil ako sa Club Med na puro Pranses. Kumain ako ng palaka sa buffet. Mahiyain ako.

Mharjie

Nagtsat kami sa Web ni Mharjie nitong ika-22 at ika-23 ng Pebrero ng 2023. Taga-Davao ang pamilya niya. Marunong siya ng Cebuano. Nagtratrabaho siya sa Makati sa Maynila para promosyon ng mga mga bakasyon sa Mehiko. Alam niyang marunong ako ng Hapones at nagtrabaho sa Hapon. Nasa Canada ako ngayon. Gusto pa niyang marating ang Hapon. Naghahanap daw siya ng trabaho roon. Sabi kong maganda sa Kyōto kung mga antigo ang nagugustuhan. Masarap ang pagkain sa Hapon ang sabi ko. Sabi kong parang “kendi” ang sulat ng Hapones. Nagkaboypren daw siyang Hapones sa kolehiyo.

Rodney

Pasado nang alas 6 y medya nang umaga nang ika-22 ng Pebrero ng 2023, nasa tsaahan ako dahil akala kong matiyetiyempuhan kong makita si Greg na kaibigang kong Pilipino nang alas 8, pero hindi siya sumipot. Nakita ko naman yaong may itsurang Pilipinong nakaahit ang ulong si Rodney doon na kumakain ng sanwits. Umiinom ako ng mayelong itim na tsaa. Kumakain ako ng kanelang kaping keyk at patatas na tsip. Nagbabasa ako ng siyensiyang piksiyong libro sa Portuges na O Planeta dos Dragões ni Anne McCaffrey.