Kumquat Muli

Nitong ika-31 ng Disyembre ng 2022, naglalakad ako galing sa pizzeria, at may bumubulong nang parang “India sala.” Tapos, iyon pala’y si Michael na Danes-Pranses. Tanong ko, “Anong chai masala?” Sabi niya raw, “Hi there, young fellah!” Pinag-usapan namin ang mga “kumquat,” ang “ménage à quatre” niya. Tapos, nag-“Happy New Year” na kami…

Prince George

Nakita kong hinuhungkat ng mag-asawang sina Joanne at Rod ng kanilang maleta mula sa kotse nila nitong ika-30 ng Disyembre ng 2022 dahil kababalik nila sa Paskohan sa pamangkin ni Joanne sa Prince George na menos 40 gradong Celsius daw. Hilig sa astronomiya si Joanne.