Beynte Otso

Pasado nang hatinggabi nang ika-28 ng Disyembre ng 2023, nasa kusina ng bahay ako. Kumakain ako ng markang Stik-O na lasang istrobering parang barkilyos, ng Turkong lokum, at ng pistachio. Umiinom ako ng espesyang mansanas na tsaang may yelo. May mga bisitang kamag-anak kaming darating daw dito sa Isla Lulu sa ngayong umaga galing sa estadong Georgia at Republika ng Pilipinas. Ang huling tigil nila bago rito ay sa Seattle sa estadong Washington. Noong isang linggo, bumisita ang tiyo at tiya ko galing naman sa Portland sa estadong Oregon. Papunta sila sa Pilipinas dahil may bagong bahay doon sila. Pabalik-balik sila sa dalawang bansa. Nasa bolsa ng berdeng militar na dyaket ko naman ang minidiksiyonaryong Esperanto-Ingles ng Fluo Editions mula sa Granada sa Espanya. Babasahin ko kung nasa tsaahan o pizzeria ako nitong mga araw na daraan. Sa tema ng araw, ang numerong 28 ay naging simbolo ng Esperanto dahil may 28 letra sa alpabeto nitong lengguwahe.