Maligayang Halloween

Nang maaraw na kaunting maulap na hapon nang Araw ng Halloween ng 2023, lakad ako papuntang Isla Lulung pizzeria. Naroon ang mga Taga-Indiyang tinderong si Bal, si Sachet, at si Simar. Naroon din ang may-aring si Tharsan, yaong may lahing Taga-Sri Lanka pero pinanganak dito sa Hilagang Amerika. Nagkokolang pangdiyeta ako habang hawak ang Kastilang librong Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. Habang nagwawalis si Bal, kinausap ko siya: “Sikh ka ba, o Hindu?” tanong ko. “Sikh, pero hindi ako nagtuturban, pero may turban ang tatay ko,” ‘ika niya. “Modernong Sikh ka! Nandito ba ang tatay mo?” tanong ko. “Nasa Indiya,” sagot niya. Nagbatian kaming lahat doon nang “Maligayang Halloween!” May dumalaw na puting may buhok na itim na may dalang malaking iskuter. Nang nagpipizza siya sa sulok, sabi niya, “Parang ibang bansa ang bahay mo…” Nakatseker na kamiseta siyang pula at itim. May dumalaw na isang lalaking parating malambing sa akin. Puti siya. May lolong Intsik na nagpipizza habang nagbabasa ng Tsinong diyaryo. Pag-labas ko, tumawid ako nang pruteriya. May Tsinong tinderong may sabing “Isip nilang masyadong mahaba ang buhay nila!” He he!

Kabute para sa Halloween II

Sa madaling araw nang ika-31 ng Oktubre ng 2023, nag-almusal ako ng niluto kong mga kabute. Halloween na. Mag-isa ako sa silid-kainan. Madilim sa labas. May ilang mga batang nagpapaputok nang kaunti na. Naririnig ko. Sa ibang tema, iniisip ko ang “Kāma” sa Hinduismo, yaong sensuwalidad at pagnanais. Singkretista ako. Sa maulap na malamig pero maaraw na umaga, lakad ako papuntang malaking tindahan para bumili ng Drāno Max Gel para sa lababo ko sa banyo. Sa pizzeria, maagang nagbukas si Bal, yaong Taga-Indiyang tinderong may mga tato sa braso, dahil Halloween ngayon. Sa isang sulok na mesa, naroong nagpipizza si Michael na mestisong Tsino-Ingles. Nagbabasa ako ng Kastilang librong Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg, habang nagkokolang pangdiyeta ako sa isang mesa sa ibang sulok. Pag-uwi ko, binati ako ni Al at ni Rochelle, yaong pula ang buhok, na naninigarilyo sa harap ng tahanan nila. Nitong mga araw, sa Web, marami akong nakitang mga litrato at bidyo tungkol sa mga dekorasyon, pagkain, at pistang antisipasyon ng Día de los Muertos sa una at ika-2 ng Nobyembre sa Mehiko.

Kabute para sa Halloween

Nang mga 13:00 nang ika-30 ng Oktubre ng 2023, malamig pero maaraw sa labas, at naglakad ako papuntang pizzeria. Naroon ang mga Taga-Indiyang tinderong si Sachet at isa pang bago. Nagkokolang pangdiyeta ako habang nagbabasa ng Kastilang librong Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg, sa sulok na mesa. May dumalaw na maraming binata at dalaga galing sa hayskul. Lahat sila ay may suot na kulay-abo at itim. May ilang talagang malusog sa kanila. Nagpipizza sila. Mamaya pa, nasa tabing Asyanong pruteriya ako para bumili ng isang kayumangging sako ng anim na puting kabute. Lulutuin ko bukas sa solitaryong selebrasyon ko ng Halloween.