Kuwarto

Kulay-abo ang langit. Umaambon. Nasa bahay ako rito sa Isla Lulu. Nasa kuwarto akong nakahiga sa sopa. Marami akong mga libro, sa papel at elektroniko. Baka libu-libo na. Mga haluhalong wika sila. Kumain na ako ng tanghalian ko: pansit, manok, at pastel. Sa hapon, lumakad ako hanggang kapihang Istarbak. Naroon ang Pilipinong manedyer na si Ross. Naroon ang mga baristang si Jam na Pilipino, si Denise na Pilipina, si Simonang Inglesa, at si Francis na mestisong Amerindiyong Cree at puti. Umiinom ako ng kapeng itim na may yelo. Kumakain ako ng kesong deynis. Malapit sa kahera ang mesa ko. Pagkatapos ko sa kapihan, tuloy ako sa Yaming Pizzeria. Naroon ang mga Indiyanang tinderang si Navjot at si Jot. Kumakain ako ng isang piraso ng pizzang may pepperoni, karne, at kabute. Ngayon ay ang ika-27 ng Abril ng 2024, sa Isla Lulu rito.

Espesya

Kalat sa lupa ang mga petalo ng mga bulaklak ng sereso at magnolya sa mga daan sa kapitbahayan ng kapihan. Umaambon sa huli ng umaga. Payong na naman. Lakad muli. Nakita kong pumasok si Layla sa Byetnamitang restawrang Pho Khang niya. Sa kapihang Istarbak, may represyer na prutas ng dragon o pitahayang may limonada at espesya ako. May croissant na tsokolate pa ako. Binabasa ko roon ang Kastilang librong Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. Malapit sa bar ang mesa ko ngayon. May dagdag sa mga barista: si Francis na mestisong Amerindiyong Cree at puti, at si Sohanang Indiyanang Asyana. Ngayon ay ang ika-27 ng Abril ng 2024, sa Isla Lulu rito.

Taga-Guatemala

Kulay-abo ang langit sa umaga. Lakad ako. Sa kapihang Istarbak dito sa Isla Lulu, naroon si Jessicang Byetnamita, si Annang Pilipina, at si Nabhing Indiyana. Ang mga Byetnamita ay parang mga Taylandes ang ugali. Di ko pa narating sa katawan ang Byetnam, pero napasyalan ko na sa IstritByu sa Web. Narating ko na ang Taylandiya sa katawan. Sa kapihan nitong umaga, kumakain ako ng hopyang munggo ng markang Maynila’s Choice. May kapeng itim na may yelo ako. Sa kapihan, natagpo ko ang dalawang Hispanik, isang Taga-Colombia at isang Taga-Guatemala. Bagong dating lamang ang Taga-Guatemala, at mga anim o pitong buwan pa lamang siya rito sa BC. Akala ko sa umpisa’y Arabe o Europeo siya. Nagkakastila kami sa usap. Julio ang pangalan niya. 47 anyos na gulang daw siya. “Ebangheliko” raw ang relihiyon niya at ang mga magulang niya. Sabi ko’y “Budista-Animista” ako, pero hindi raw niya alam yaong bagay. Nasa konstruksiyon siya sa Surrey. Sa Guatemala, “la vida es dura” o “mahirap ang buhay” daw at sang-ayon kami kung walang trabaho. Mas maigi raw rito. Marami raw mga Mehikano at iba pang Hispanik sa konstruksiyon. Nagkakastila sila, at di sila masyadong marunong mag-ingles. Ngayon ay ang ika-27 ng Abril ng 2024.