Mongolia

Nitong umaga nang ika-31 ng Enero ng 2023, may talagang kaibang panaginip akong sekretong natransporte sa Mongolia. Sa mga Mongol, may ibang internasyonal na tauhan tulad ng Hapones. Di primitibo ang lugar na parang metamodernong palengke, at may mga senyas ng teknolohiya. At malinis ang lugar. Naghahanap ako ng souvenir. May mga batang Mongol kung saan-saan. Kita ang kabundukan sa malayo.

Tsaahan

Nitong umaga nang ika-30 ng Enero ng 2023, kaunti lamang ang tao sa tsaahan. Lunes kasi ngayon. Nagbabasa ako roon ng librong siyensiyang piksiyon tungkol sa mga dragon sa ibang planeta, O Planeta dos Dragões ni Anne McCaffrey, sa Portuges naman.

Sarah

Kinausap ko ang isang baristang si Sarah sa tsaahan. Nag-leave siya dahil may sakit ang mga binti niya. Matindig ang trabaho niya. At ilang beses siyang nahulog. Dating nasa Québec si Sarah. Para siyang Pransesa ang ugali. Brunette naman siya.

Kaeskuwela

Mahilig manood si Ken M. ng Cosmos na teledokumentaryo ni Carl Sagan. Parang naging kapatid ko siya at si Philip T., yaong negosyanteng Tsinoy, at si Graeme S., yaong maputing Jamaicanong ikaapat na itim. Mas para akong si Ken sa yaong tatlong mga kaeskuwela ko.

Fujian

Sabi ko kay Greg na ang Tsina ay parang “Europang ikinombina ang mga bansa” dahil ang mga probinsiya at teritoryo ay parang iba-ibang “bansa” talaga. Ang probinsiya ng mga Hokkien, ang Fujian sa norte ng Guangdong ng mga Kantones, ay iba talaga.