Bueno

Sa hapon, lakad akong papunta sa pizzeria. Tapos, nasa kapihan na ako. Binigyan ako ng mga patatas na tsip sa pulang sako ni Hans na Olandes. Sa labas ng bintana, nakita ko si Greg na Pilipinong papuntang tindahan. Sa loob ng kapihan, binati ko si Lizbeth na Mehikana: “¿Cómo estás?” ang tanong ko. “Bien. ¿Y tú?” ang tanong niya. “Bien” ang sagot ko. “¡Bueno!” ang sabi niyang palabas nang pinto. Umiinom ako ng itim na kapeng may yelo at dala kong kolang pangdiyetang delata galing sa pizzeria. Ngayon ay ika-14 ng Mayo ng 2024.

Sana Nga

Maaraw sa hapon. Lakad ako. Mamaya, nasa Pizzeriang Yami na ako. Kumakain ako ng isang pirasong pizzang may karne, kabute, at pepperoni. May kolang pangdiyeta ako. Naroon ang mga Indiyanong tinderong si Sachet at si Navjot. Tuloy ako sa kapihang Istarbak para magkapeng itim na may yelo. May croissant na tsokolate ako sa platito. Si Ross na Pilipinong manedyer ang tindero ko. Dumating din ang mga Pilipinang baristang si Denise at si Mary. Iniisip ko’y sana’y mas parang Indonesia ang Pilipinas. Sa Indonesia, maraming libro sa Indones na Siyensiya at Arte. Hindi parang Pilipinas na masyadong dependiyente sa Ingles. Ngayon ay ang ika-7 ng Mayo ng 2024, sa Isla Lulu rito.

Makulit

“Basta may imahinasyon tayo!” ang motto dapat natin. Lakad ako. Sa umagang medyo maaraw na, nasa kapihang Istarbak ako. Mamaya sa huli nang umaga, nasa pizzeriang Yami ako. Sa bahay, may bisita ang Mama: ang Tito Bert at kanyang mga kamag-anak. Pagbalik ko sa bahay, tinanong kung saan ako pumunta. “Sa pizzeria,” sabi ko. Sabi ni Tito Bert, “Ayaw ko nang pizza…” Sabi niyang mas gusta niya ang “kape at tost” lamang. Alam kong parang inhinyero ang isip niya, dahil alam niya ang pagkakarpintero at mga ganoon. “Sori at maingay kami nang nagsasalita dahil niya,” sabi ng lola roon. Sabi ko nang may ngiti, “Para kayong Italyana!” May ensalada ng prutas. Nagtanghalian ako. May manok, kanin, at pansit. Bumalik akong lakad sa kapihang Istarbak. Nagkapeng itim na may yelo ako. Mamaya pa’y may represyer na prutas ng dragon o pitahayang may limonada at ekstrang espesya. Naroon ang mga baristang si Tanyang Inglesa, si Sarang Inglesa, si Ross na Pilipinong manedyer, si Mariang Pilipina, si Jam na Pilipino, si Chris na mestisong Hapones-Ingles, at si Francis na mestisong Amerindiyong Cree at puti. “Makulit” daw ako ang sabi nang ibang Pilipino. Ngayon ang ika-6 ng Mayo ng 2024.

Makulimlim

Inuwi ko sa dalawang lakad galing sa kapihang Istarbak ang kapeng itim na may yelo at represyer na prutas ng dragon o pitahayang may limonada at espesya. Ininom ko sila sa bahay sa silid-kainan at sa balkonahe. Makulimlim pa sa hapong naglakad ako hanggang pizzeriang Yami. Uminom ako ng kolang pangdiyeta. Kumain ako ng isang piraso ng pizzang may karne at kabute. Naroon ang tinderang Indiyanang si Navjot at ang tinderang Pilipinang si Rose. Tuloy ako sa kapihang Istarbak para kumain ng isang croissant na tsokolate at isang kesong deynis. Ang tindera ay si Nabhing Indiyanang mukhang Latina. Nasa lupa ng kapitbahayan na ang karamihan ng mga petalo ng mga bulaklak ng mga sereso at magnolya. Ngayon ay ang ika-4 ng Mayo ng 2024.