Butiki

Maaraw at medyo mahangin sa umaga. Sa dilaw-berdeng sako kong may iginuhit na parang berdeng butiki, baon ko ang hopyang baboy, o kundol, at ang libro ko sa Esperanto: Kometo en Muminvalo, ni Tove Jansson. Lakad akong papuntang kapihan. Doon, may itim na kapeng may yelo ako. Kumain ako at nagbasa. May mga Pilipinong kostumer. Ika-17 ng Mayo ng 2024 ngayon.

Sa Ilalim ng Aranya

Bago pa mag-alas-dos nang gabing umaga, nasa silid-kainan ako ng bahay, sa ilalim ng umiilaw na aranya, at kumakain ako ng mga bola-bolang takoyaki at mga malalaking puting kabute. May iniinom akong kardamomong chai na latte. Ika-17 ng Mayo ng 2024 ngayon, sa Isla Lulu rito. Ang numerong 17 ay hiwatig para sa Tagalog. Sa Mapang Gugel, nagbiyabiyaheng birtuwal ako sa mga siyudad sa Pransiya nitong mga araw.

Limonada

Sa gabi, nasa kapihan ako para uminom ng malamig na limonadang mangga at prutas ng dragon o pitahaya. May mga baristang Pilipino at mestisong Amerindiyo roon. Sa pizzeria, kumain ako ng pizza at uminom ng kolang pangdiyeta. Sa tindahan, bumili ako ng pulbos ng kardamomong chai na latte. Sa Tsinong pruteriya, bumili ako ng isang sako ng mga malalaking puting kabute. Lakad ako pauwi. Ika-16 ng Mayo ng 2024 ngayon.

Açaí

Mas maaraw sa hapon. Lakad ako papuntang tindahan para bumili nang hopyang baboy na binalot sa puti at asul na papel na may mga iginuhit na lantern. Kundol talaga ang loob. Markang Maynila’s Choice. Tapos, nasa kapihan ako para uminom ng mayelong represyer na limonadang açaí at istroberi. May mga pirasong istrobering lumulutang sa yelo. Naroon sa bar ang kaibigan kong si Chen, yaong muskuladong tabatsoy na Mandarinong Tsinong mukhang berdeng militar. Ika-16 ng Mayo ng 2024 ngayon. Itong numerong 16 ay Esperanto o Kantones sa iba ang hiwatig.