Espesya

Kalat sa lupa ang mga petalo ng mga bulaklak ng sereso at magnolya sa mga daan sa kapitbahayan ng kapihan. Umaambon sa huli ng umaga. Payong na naman. Lakad muli. Nakita kong pumasok si Layla sa Byetnamitang restawrang Pho Khang niya. Sa kapihang Istarbak, may represyer na prutas ng dragon o pitahayang may limonada at espesya ako. May croissant na tsokolate pa ako. Binabasa ko roon ang Kastilang librong Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. Malapit sa bar ang mesa ko ngayon. May dagdag sa mga barista: si Francis na mestisong Amerindiyong Cree at puti, at si Sohanang Indiyanang Asyana. Ngayon ay ang ika-27 ng Abril ng 2024, sa Isla Lulu rito.

Leave a comment