Kuwarto

Kulay-abo ang langit. Umaambon. Nasa bahay ako rito sa Isla Lulu. Nasa kuwarto akong nakahiga sa sopa. Marami akong mga libro, sa papel at elektroniko. Baka libu-libo na. Mga haluhalong wika sila. Kumain na ako ng tanghalian ko: pansit, manok, at pastel. Sa hapon, lumakad ako hanggang kapihang Istarbak. Naroon ang Pilipinong manedyer na si Ross. Naroon ang mga baristang si Jam na Pilipino, si Denise na Pilipina, si Simonang Inglesa, at si Francis na mestisong Amerindiyong Cree at puti. Umiinom ako ng kapeng itim na may yelo. Kumakain ako ng kesong deynis. Malapit sa kahera ang mesa ko. Pagkatapos ko sa kapihan, tuloy ako sa Yaming Pizzeria. Naroon ang mga Indiyanang tinderang si Navjot at si Jot. Kumakain ako ng isang piraso ng pizzang may pepperoni, karne, at kabute. Ngayon ay ang ika-27 ng Abril ng 2024, sa Isla Lulu rito.

Leave a comment