Americano

Maulap na kaunting maaraw sa umaga. Lakad ako hanggang kapihang Istarbak. May anim na bisiklista roong nagkakape. Naroon si Mike na pandak na Turkong matagal ko nang di nakikita. Iniinom ko ang isang tasa ng Americano, yaong walang gatas na may yelo naman. Sa Kastila, ang “americano” ay tao sa Hilagang Amerika o Timog Amerika. Sa Kastila, ang Mehikano ay “americano,” ang Boliviano ay “americano,” at ang Chileño ay “americano” rin. Ika-19 ng Mayo ng 2024 ngayong Linggo sa Isla Lulu rito.

Planetang Pinagbawalan

Kumain ako ng tsokolateng croissant sa kapihang Istarbak bago pa magtanghali. Ika-17 ng Mayo ng 2024 ngayon. Kahapon sa kapihan, may baristang Pilipinang ang pangalan ay Althea. Nakabreyd sa likod ang buhok niya. Natutuwa ako sa pangalan niya. Natatandaan ko si Altaira Morbius sa klasikong pelikulang Forbidden Planet nang 1956. Si Altair at ang kanyang amang si Doktor Morbius lamang ang tao sa planetang Altair IV. Ultramoderno ang kanilang asyenda. May robot na katulong na si Robby. Nimulto ang mga tao nang mga sariling panaginip nila.

Açaí

Mas maaraw sa hapon. Lakad ako papuntang tindahan para bumili nang hopyang baboy na binalot sa puti at asul na papel na may mga iginuhit na lantern. Kundol talaga ang loob. Markang Maynila’s Choice. Tapos, nasa kapihan ako para uminom ng mayelong represyer na limonadang açaí at istroberi. May mga pirasong istrobering lumulutang sa yelo. Naroon sa bar ang kaibigan kong si Chen, yaong muskuladong tabatsoy na Mandarinong Tsinong mukhang berdeng militar. Ika-16 ng Mayo ng 2024 ngayon. Itong numerong 16 ay Esperanto o Kantones sa iba ang hiwatig.

Dandelion

Sa umagang medyo maaraw pero maulap, nasa kapihang Istarbak kami ni Greg. Mainit na kape siya, at ako naman ay mayelo. Binigyan niya ako ng isang sako ng mga mansanas na tsip. Pinag-usapan namin ang mga pet, katulad ng mga kuing, hamster, at gerbil. Pinag-usapan namin ang mga “taong may kulay” ngayon sa mga bansa sa Europa. Pinag-usapan namin si Mr. Nehra sa elementarya ko. Nasa katabing klase siya, pero nasa aming klase para magturo ng agham, katulad ng biyolohiya, ipang-ensalada, at ipangkape ng dandelion. Siya ang unang Taga-Indiyang nakita ko sa buhay ko, dito sa Isla Lulu. Sa daan, nakita ko si Michael na Danes-Pranses na ufolohista. Gusto ko ang mga katulad niyang mahilig sa astronomiya: mga benditong tao. Ngayon ay ika-15 ng Mayo ng 2024.